[의견] 문학은 단순히 사회의 거울일 뿐만 아니다

[OPINYON] Hindi lang salamin ng lipunan ang panitikan

Rappler Roy Rene S. Cagalingan EN 2026-04-11 10:00 Translated
문학을 통해 우리 나라의 상황을 이해하고 어떻게 더 발전시킬 수 있을지 생각해보자. 문학은 전쟁을 끝내기 위해 돌아가서 활용할 수 있는 도구이기도 하다.
4월 문학의 달이 다가오면서 우리는 다시 한번 "문학은 사회의 거울이다"라는 유명한 말을 듣게 된다. 이 표현의 적절성을 생각해보고 우리의 축제를 더욱 확장하고 심화시키는 것이 좋을 것이다.

마르크스와 엥겔스에서 비롯된 중요한 개념이 있다. 그들은 문학이 사회의 물질적, 계급적 조건을 반영한다고 말했다. 한편으로는 문학이 그 시대의 산물이고 문학 작품이 사회에서 일어나는 일들과 깊은 관련이 있다는 점에서 이것은 사실이다. 문학은 진공 상태에서 존재하지 않는다고 말할 수 있다. 그것은 항상 현재와 관련이 있다.

하지만 진보적인 작가들은 단순히 사회를 반영하는 작품을 만드는 것에 만족하지 않는다. 문학과 예술이 사회의 기존 조건을 바꿀 수 있는 능력이 있다는 것을 알고 있다. 독자와 작가 모두 문학에서 자신의 사회에서 일어나는 일을 보는 것만으로는 만족하지 않는다. 또한 행동이 필요하다.

우리 역사의 두 흐름, 즉 우리의 구전 문학과 혁명가들이 쓴 글들을 살펴보면 더욱 명확해진다. 우리의 서사시와 다른 민간 문학에서 선조들은 하나의 사회라는 개념을 세대에서 세대로 전승하고 강화했다. 그들은 자신들의 삶을 서사시의 영웅들과 연결시켰다. 이것은 그들에게 힘의 원천과 정체성을 주었다. 그들은 수수께끼와 속담에서 지혜를 얻었다.

식민지배가 도래할 때까지 그들은 문학을 통해 자신들을 무장시키는 것을 계속했다. 이것은 식민화에 직면하여 본래의 자아를 유지하는 방법이었다. 그들은 고대의 시와 생각을 교회의 기도와 다른 요구사항들과 섞었다. 그들은 문학을 사용했으므로 거울을 볼 때마다, 비록 옷이 달라졌지만 여전히 이전의 자신을 알아볼 수 있었다.

또한 리잘, 보니파시오, 자신토, 마비니와 같은 우리의 혁명가들도 거울을 보는 것에만 만족하지 않았다. 그들은 문학을 사용하여 필리핀인들이 자신의 나라를 보는 방식을 연결했다. 그들이 사용한 것은 다양했고 단순한 반영만이 아니었다. 그들은 왜곡된 관점을 가지고 과잉을 연결하고 학대가 계속되면 어디로 갈 수 있는지 보여주었다. 보니파시오와 자신토 같은 사람들은 우리에게 렌즈를 제공하여 암흑에 빠진 나라에 대한 우리의 관점을 명확하게 해주었다. 예, 그것은 여전히 거울과 관련이 있지만, 우리는 광학과 시력의 다양한 특성을 사용하여 우리의 나라와 세계에 대해 더 깊은 이해를 가지고 있다.

여기에 또 다른 보는 방식과 관련성들이 있다. 거울을 들여다보는 것으로 예를 들면, 우리는 상처를 입을 수 있다. 거울 뒤에 마법을 거는 사람이 있을 수 있다. 우리가 보는 것을 신중하게 살펴봐야 한다. 우리가 보는 것에 왜곡이 있으면 우리의 시력이 속을 수 있으므로 조심해야 한다.

문학이 사회의 거울이라는 개념으로 돌아가면, 문학을 읽을 때 거울만 본다면, 우리는 자신의 반영과 세계의 반영에만 빠져있는 나르시수스처럼 될 수 있다는 것을 기억해야 한다. 때로는 진실이라고 생각하는 "반영"도 단순한 환영일 수 있다. 그리고 우리는 나르시수스의 비극을 안다.

최선의 방법은 문학을 사용하여 우리 나라의 상황을 이해하고 어떻게 더 발전시킬 수 있을지 이해하는 것이다. 그것은 또한 우리가 필리핀의 일부인 민족언어학적 집단의 일부인 개인으로서만 존재하는 것이 아니라는 것을 보여준다. 그것은 항상 우리 외에 타자가 있다는 것을 보여준다. 우리에게는 함께하는 타자들이 있다. 심지어 이 세계 너머로, 우주의 많은 가능성들에 이르기까지.

우리의 세계가 계속 타오르고 있는 가운데 타자와 우리의 차이를 이해하는 것은 매우 중요하다. 문학은 또한 우리가 돌아가서 전쟁을 끝내기 위해 사용할 수 있는 것이다. 문학을 읽으면서 거울만 바라본다면 우리는 그것을 할 수 없다. – Rappler.com

로이 르네 S. 카갈링간은 시와 에세이를 쓴다. 그는 이마헨, 레토리카, 아노 린강(LIRA) 회원이다. 그는 문화 창작자이다.

Gamitin natin ang panitikan para maunawaan natin ang kondisyon ng bayan at kung paano pa mapauunlad ito.... Panitikan din ang maaari nating balikan at gamitin para wakasan ang mga digmaan.

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Guia Abogado/Rappler

Buwan ng Panitikan ngayong Abril, at maririnig na naman natin ang popular na kasabihan na ang “panitikan ay salamin ng lipunan.” Mainam sigurong pag-isipan ang pagiging akma nito para mapalawak at mapalalim pa natin ang ating pagdiriwang.

Mahalagang-mahalaga ang isang pag-uugat nito kina Marx at Engels, na nagsabing nagwawangis (nagbibigay-repleksiyon) ang panitikan sa materyal at pang-uring kondisyon ng lipunan. Sa isang banda, may katotohanan ito dahil ang panitikan ay bunga ng panahon nito at may malalim na ugnayan ang akda sa mga nangyayari sa lipunan. Maaaring sabihin natin na hindi umiiral ang panitikan sa isang vacuum. Lagi itong kaugnay ng ngangayunin. 

Kahit dito pa nga lang, masasabi nating hindi naman nakokontento ang manunulat sa paglikha ng mga akda na sumasalamin lamang sa ating lipunan. Alam ng mga progresibo na may kakayahan ang panitikan at sining na baguhin ang umiiral na kondisyon ng lipunan. Di nasisiyahan kapuwa ang mambabasá at manunulat na makita sa panitikan ang nangyayari sa kaniyang lipunan. May pagkilos din dapat. 

At kung titingin pa tayo sa dalawang batis ng ating kasaysayan, sa ating pabigkas na panitikan at sa mga isinulat ng rebolusyonaryo, magiging mas malinaw pa. Sa ating mga epiko’t iba pang panitikang-bayan, naipása sa mga lahi at napatibay ng ating mga ninuno ang konsepto ng pagiging isang lipunan. Iniugnay nila ang kanilang mga búhay sa mga bayani ng epiko. Nagbigay ito sa kanila ng kakapitang pinagmulan at identidad. Kumatas sila ng karunungan sa mga bugtong at salawikain.

Hanggang sa pagsapit ng pananakop, nagtuloy sila sa pagkasangkapan sa panitikan. Paraan nga ito para panghawakan pa ang katutubong sarili sa harap ng kolonisasyon. Inihalo nila ang mga sinaunang pagtula at kaisipan sa mga dasal at ibang pang rekisito ng Simbahan. Ginamit nila ang panitikan para tuwing titingin sa salamin, bagaman iba na ang damit, makikilala pa rin ang naunang sarili. 

Hindi rin nakontento sa pagtingin sa salamin ang ating mga rebolusyonaryo, tulad nina Rizal, Bonifacio, Jacinto, at Mabini. Ginamit nila ang panitikan para pag-ugnay-ugnayin ang pagtingin ng mga Filipino sa kanilang bayan. Iba-iba rin at hindi lamang pagwawangis ang ginamit nila. May kubikong (warped) na paningin para maiugnay ang mga pagmamalabis at posibleng patunguhan kung magtutuloy pa ang pang-aabuso. May naghain sa atin ng lente tulad nina Bonifacio at Jacinto para maging malinaw ang ating pananaw sa bayang nalugmok sa dilim. Oo, may kaugnayan pa rin ito sa salamin, pero ginagamit natin ang iba’t ibang katangian ng optiks at paningin para magkaroon pa ng pag-unawang mas malalim sa ating bayan at daigdig. 

At narito ang ilan pang paraan ng pagtingin at kaugnay: sa katititig sa salamin, halimbawa, maaari táyong mabáti. Maaaring may nangkukulam sa likod ng salamin. Kailangan din natin ang língap o pagsuring mabuti sa ating tinitingnan. Ingat din kung may pangás sa tinitingnan, maaari kasing dinadaya ang ating paningin. 

Balik tayo sa pagiging salamin ng lipunan, tandaan lang din natin na kung titingin lámang tayo sa salamin sa pagbabasá natin ng panitikan, bakâ parang maging Narsiso tayong mahuhumaling lamang sa sariling repleksiyon natin at ng daigdig. Minsan, kahit ang “repleksiyon” na inaakalang totoo ay isang ilusyon lamang din. At alam natin ang kinasadlakan ni Narsiso. 

Ang mainam, gamitin natin ang panitikan para maunawaan natin ang kondisyon ng bayan at kung paano pa mapauunlad ito. Nagpapakita rin ito sa atin na hindi lámang tayo umiiral mag-isa bilang indibiduwal na bahagi ng etnolingguwistikong grupo na bahagi ng Filipinas. Laging ipinakikita nito na may Iba. May kapuwa tayong kaugnay. Kahit pa nga hanggang sa labas ng daigdig na ito sa napakaraming posibilidad ng uniberso.

Napakahalagang unawain ang Iba at ang ating mga pagkakaiba habang patuloy na nasusunog ang ating daigdig. Panitikan din ang maaari nating balikan at gamitin para wakasan ang mga digmaan. Di natin iyon magagawa kung nakatitig lang táyo sa salamin habang nagbabasá. – Rappler.com

Sumusulat si Roy Rene S. Cagalingan ng mga tula at sanaysay. Kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Isa siyang manggagawang pangkultura.

How does this make you feel?